Panaginip, isang hindi pangkaraniwang bagay na lagi nating nararanasan. Ito ‘man ay masama o mabuti nakagdudulot naman ito ng mga magagandang asal. Isang pangyayari ang dapat nating tunghayan tungkol sa isang kabataan ng ating henerasyon na walang pagpapahalaga sa mga gamit na nararapat na pag-iingatan ng lubusan.
Mga libro, gamit sa pagsusulat, mga kwaderno, at iba’t iba pang mga kagamitan sa eskwelahan ang ipinagsiksikan sa isang maliit na silid sa loob ng bahay ng mga De Guzman. Sa isang sulok ay nandoon ang isang musmos na ang pangalan ay Zydrex "Drex" De Guzman na anak ni Mang Teban De Guzman na abala sa paggagawa ng kanyang mga takdang aralin at proyekto gamit ang bagong-bagong kompyuter na binili ng kanyang mga magulang.
Matapos ang limang oras, hindi pa din siya natatapos sa kanyang pagkokompyuter. Hindi na tungkol sa pag-aaral ang ginagawa niya. Naglalaro na siya ng mga larong walang kabuluhan. Pati ang paggamit ng aircon, ilaw at cassette ay hindi pa rin pinapatay kahit ‘di na ito kailangan. Sobra sobra na ang nagagamit niyang oras sa pagkokompyuter. Bigla siyang inantok.
Maya-maya, may naramdaman siyang nakulbit sa kanyang tabihan na tila isang bakal na matulis. Pagkadilat ng kanyang mga mata ang una niyang nakita ay ang isang monitor na may lumalabas na artipisyal na kamay. Natakot siya at bigla siyang nahulog sa kanyang kinauupuan. Ang mga lumalabas sa screen ng monitor ay parang nabubuong katawan ng isang tao. Kakaiba ang kanyang kulay.
Nagsalita ang computer. “Hindi mo ba alam ang ginagawa mo?” Nagtaka si Drex. “Inaaksaya mo na ang mga gamit na ginagamitan ng kuryente. Alam mo ba na masama ang mga ginagawa mo? Hindi mo dapat hinahayaan na gamitin kami sa mga walang kabuluhan. Hindi mo ba naiisip na kapag gumagamit ka ng mga gamit na katulad ko ay nakadadagdag ito sa bayarin ng kuryente ninyo?
“Nagbabayad naman ang mga magulang ko ng bayarin sa ilaw ah!”, sabi ni Drex. “Kahit pa! Dahil hindi sapat yon na dahilan para kami’y gamitin sa masama. Ang mga gamit na katulad ko ay ginagamit lang sa mga importante at mabuting bagay. Dapat makonsensiya ka sa mga ginagawa mo dahil nahihirapan din ang ibang tao lalo na ang mga magulang mo. Sa nakikita ko sa mga bata, matatanda, guro at iba pang tao na ginagamit kami nakokosensiya sila na gamitin kami sa walang kabuluhan o hindi importante at hindi sa masama dahil ayaw nilang tumaas ang kuryente, masira kami at higit sa lahat ang mapagbuntungan ng galit ng kanilang mga magulang kapag tumaas ang kuryente nila. Lalong tataas ang mga binabayaran ng mga magulang mo dahil diyan sa ginagawa mo sa amin. Maawa ka naman sa kanila. Huwag mo laging iisipin ang kapakanan ng sarili mo lang, dapat isipin mo rin ang kapakanan ng nakararami. Mahalaga iyon para mapanatili natin ang magandang pagsasamahan ng bawat isa. Dapat sinusunod mo ang mga patakaran sa paggamit sa amin ".
“Eh ano naman ngayon, wala akong pakialam sa abang tao . basra ang alam ko magagawa ko lahat ng gusto kong gawin”, sabi ni Drex. “Napakasama mo talagang bata. Heto ang nababagy sa iyo”, sabi ng kompyuter. At biglang may lumabas na liwanag at lumibot ito sa buong katawan ni Drex.
Naglaho si Drex. Nagpunta siya sa loob ng kompyuter. Para siyang kinukuryente sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. Nagsisigaw siya. Hindi na niya kayang tiisin ang mga sakit na kanyang nadadama.
“Ayoko na po, nagsisisi na po ako. Maawa na po kayo sa akin”, sabi ni Drex. Naawa ang kompyuter kay Drex. May pinindot-pindot siya sa kompyuter at biglang lumabas na si Drex sa loob ng kompyuter.
“Maraming salamat po. Simula po talaga ngayon magbabait na po ako”, sabi ni Drex. “Mabuti naman at natuto ka na sa mga kasalanang ginawa mo. Paalam”
Nagising si Drex. “Panaginip lang pala”. At simula noon hindi na siya nag-aaksaya ng mga gamit na ginagagamitan ng kuryente. Marami siyang natutunan sa mga sinabi ng kompyuter.
No comments:
Post a Comment